Milan Kundera

Milan Kundera
Kapanganakan (1929-04-01) 1 Abril 1929 (edad 89)
Brno, Czechoslovakia
TrabahoManunulát
NasyonalidadPranses
EtnisidadCzech
PagkamamamayanPransiya Pranses
Alma materCharles University, Prague; Academy of Performing Arts in Prague
HeneroNobela[1]
(Mga) kilalang gawaThe Joke (Žert) (1967)
The Book of Laughter and Forgetting (1979)
The Unbearable Lightness of Being (1984)
(Mga) parangalJerusalem Prize
1985
The Austrian State Prize for European Literature
1987
Vilenica International Literary Festival
1992
Herder Prize
2000
Czech State Literature Prize
2007
(Mga) kamag-anakLudvík Kundera (1891–1971), amá
Ludvík Kundera (pinsan)

Si Milan Kundera (ipinanganak Abril 1, 1929) ay ang pinakakilaláng buháy na manunulat mula Czech Republic.[2] Lahing Czech, naninirahan siyang destiyero sa Pransiya mula noong 1975, kung saan siya naging isang mamamayan noong 1981. Tingin niya sa kaniyang sarili'y isa siyang Pranses na manunulat at iginigiit na pag-aralan ang kaniyang mga gawâ bilang bahagi ng panitikang Pranses at iklasipika kasama nito sa mga book store.[3]

Ang pinakatanyag niyang gawâ ay ang The Unbearable Lightness of Being. Ipinagbawal ng mga rehimeng komunista sa Czechoslovakia ang kaniyang mga libro hanggang sa pagbagsak ng rehimen noong Velvet Revolution noong 1989. Patagô siyang namumuhay at bihirang makipag-usap sa midya.[2] Ilang ulit siyang hinihirang para sa Gantimpalang Nobel sa Panitikan.[4][5]

Talambuhay

Isinilang si Kundera noong 1929 sa Purkyňova ulice, 6 (#6 Kalye Purkyňova) sa Brno, Czechoslovakia, sa isang gitnang-uring pamilya. Ang kaniyang ama, si Ludvík Kundera (1891–1971) ay minsang naging estudyante ng kompositor na si Leoš Janáček, isang mahalagang at piyanista na nanungkulang puno ng Janáček Music Academy sa Brno mula 1948 hanggang 1961. Natutong tumugtog ng piyano si Milan mula sa kaniyang ama; kalaunan nag-aral siya ng musikolohiya at komposisyong musikal. Makikita ang impluwensiya ng musikolohiya sa kaniyang mga gawâ; nagsama pa siya ng notasyong musikal sa teksto upang idiin ang isang punto.

Si Kundera ay pinsan ng Czech na manunulat at tagasalin na si Ludvík Kundera. Kabilang siya sa henerasyon ng kabataang Czech na kakaunti o walang karanasan sa Unang Republikang Czechoslovak bago ang digmaan. Malaki ang naging impluwensiya sa kanilang mga ideolohiya ang kanilang karanasan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pananakop ng Alemanya. Gayunman, noong kaniyang kabataan, sumapi siya sa Partido Komunista ng Czechoslovakia, na naagaw ang kapangyarihan noong 1948. Nagtapós siya ng sekondarya sa Brno sa Gymnázium třída Kapitána Jaroše noong 1948. Nag-aral siya ng panitikan at estetiko sa Charles University sa Prague. Makalipas ang dalawang termino, lumipat siya sa Academy of Performing Arts in Prague, kung saan una siyang dumaló sa mga lektura sa pagdidirekta ng pelikula at pagsusulat ng script.

Noong 1950, panandaliang naantalà ang kaniyang pag-aaral nang dahil sa pulitika. Siya at ang manunulat na si Jan Trefulka ay pinatalsik sa partido dahil sa "mga gawaing kontra-partido." Isinalarawan ni Trefulka ang insidente sa kaniyang nobelang Pršelo jim štěstí (Happiness Rained On Them, 1962). Ginamit din ni Kundera ang insidente bilang inspirasyon ng pangunahing tema ng kaniyang nobelang Žert ( The Joke, 1967). Nang makapagtapós ng pag-aaral noong 1952, itinalaga si Kundera bilang lektor ng pandaigdigang panitikan. Noong 1956, tinanggap siya muli sa Partido, ngunit sa pangalawang pagkakataon pinatalsik muli siya noong 1970.

Kasama ng ilan pang repormistang komunistang manunulát, gaya ni Pavel Kohout, sila ay bahagyang nakilahok sa Prague Spring noong 1968. Ang sandaling panahong iyon ng mga gawaing repormista ay sinupil ng pananakop ng Unyong Sobyet sa Czechoslovakia noong Agosto 1968. Nanatiling determinado si Kundera na repormahin ang komunismo sa bansa, at masidhing nakipagtalo sa mga lathalà sa kapwa niyang manunulat na si Václav Havel. Ang pinakadiwa ng kaniyang sinasabi ay dapat manatiling mahinahon ang lahat at "wala pa namang nakukulong dahil sa kaniyang mga opinyon," at "maaari pang higitan ng Prague Autumn ang kabuluhan ng Prague Spring". Ngunit kalaunan, tinalikdan niya ang mga pangarap niyang reporma at nagtungò na lang siya sa Pransiya noong 1975.

Nagturo siya ng ilang taon sa University of Rennes.[6][7] Tinanggalan siya ng kaniyang pagkamamayang Czechoslovak noong 1979; at siya'y naging mamamayan na ng Pransiya mula 1981.[8] Patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa kaniyang mga kaibígang Czech at Slovak sa kaniyang bayang-sinilangan,[3] ngunit bihirang umuwi roon, at kung umuwi man, ito'y palihim.[2]

Other Languages
aragonés: Milan Kundera
azərbaycanca: Milan Kundera
беларуская: Мілан Кундзера
беларуская (тарашкевіца)‎: Мілан Кундэра
български: Милан Кундера
bosanski: Milan Kundera
català: Milan Kundera
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Milan Kundera
čeština: Milan Kundera
Deutsch: Milan Kundera
Ελληνικά: Μίλαν Κούντερα
English: Milan Kundera
Esperanto: Milan Kundera
español: Milan Kundera
euskara: Milan Kundera
français: Milan Kundera
Gaeilge: Milan Kundera
hrvatski: Milan Kundera
Bahasa Indonesia: Milan Kundera
íslenska: Milan Kundera
italiano: Milan Kundera
한국어: 밀란 쿤데라
Кыргызча: Милан Кундера
Limburgs: Milan Kundera
lietuvių: Milan Kundera
latviešu: Milans Kundera
македонски: Милан Кундера
مازِرونی: میلان کوندرا
Nederlands: Milan Kundera
occitan: Milan Kundera
português: Milan Kundera
română: Milan Kundera
srpskohrvatski / српскохрватски: Milan Kundera
Simple English: Milan Kundera
slovenčina: Milan Kundera
slovenščina: Milan Kundera
српски / srpski: Милан Кундера
svenska: Milan Kundera
Türkçe: Milan Kundera
українська: Мілан Кундера
Tiếng Việt: Milan Kundera
Volapük: Milan Kundera