Mga prepektura ng Hapon

Ang mga prepektura ay ang mga pangunahing dibisyong subnasyonal sa Hapon. Binubuo ang Hapon ng 47 prepektura: isang kalakhan (都 to), ang Tokyo; isang "sirkito" (道 ), ang Hokkaidō; dalawang mataong prepektura (府 fu), ang Osaka at Kyoto; at 43 regular na prepektura (県 ken). Sa Hapones, maaaring ituring ang lahat ng mga dibisyong ito bilang todōfuken (都道府県). Mas malaki ang prepektura kaysa sa mga lungsod, bayan at nayon ng bansa.

Pinamumunuan ang mga prepektura ng isang inihalal na gobernador (知事, chiji). Mayroon ring asembleya (議会, gikai) ang bawa't prepektura kung saan ang mga kinatawan nito ay maaaring pumasa ng mga ordenansa at badyet ng prepektura. Hinahalal ang mga kinatawan ng asembleya kada apat na taon.[1]

Other Languages
беларуская: Прэфектуры Японіі
Bahasa Banjar: Prefektur Japang
日本語: 都道府県
한국어: 도도부현
Bahasa Melayu: Wilayah di Jepun
norsk nynorsk: Japanske prefektur
srpskohrvatski / српскохрватски: Prefekture Japana
Simple English: Prefectures of Japan
српски / srpski: Префектуре Јапана
Kiswahili: Mikoa ya Japani
українська: Префектури Японії