Franklin D. Roosevelt

Franklin D. Roosevelt
KapanganakanFranklin Delano Roosevelt
30 Enero 1882
Hyde Park
Kamatayan12 Abril 1945
Warm Springs
LibinganHome of Franklin D. Roosevelt National Historic Site
PagkamamamayanEstados Unidos
Alma materHarvard College, Columbia Law School, Groton School, Columbia University
Hanapbuhaypolitiko, statesman
AsawaEleanor Roosevelt
AnakJames Roosevelt, Elliott Roosevelt, Franklin Delano Roosevelt Jr., Anna Roosevelt Halsted, John Aspinwall Roosevelt
Mga magulangJames Roosevelt
Sara Roosevelt
Mag-anakJames Roosevelt Roosevelt
Lagda
Pangulo ng Estados Unidos
4 Marso 1933 — 12 Abril 1945
Sinundan siHerbert Hoover
Sinundan niHarry S. Truman

Si Franklin Delano Roosevelt (Enero 30, 1882 - Abril 12, 1945), na nakikilala rin bilang FDR, ay ang ika-32 pangulo ng Estados Unidos[1] mula 1933 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1945. Pinamunuan niya ang bansa habang nagaganap ang Dakilang Depresyon at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Naglingkod siya bilang Pangulo ng Estados Unidos na higit na matagal kaysa sa iba pang mga pangulo.[1] Pagkaraan ng kaniyang kamatayan, ipinatupad ang ika-22 Susog sa Saligang Batas ng Estados Unidos na nagbigay ng limitasyon sa kung gaano katagal maaaring maging pangulo ang isang tao. Bago naging pangulo, siya ay naging Gobernador ng New York mula 1929 hanggang 1932, Katulong na Sekretaryo ng Hukbong Dagat (Assistant Secretary of the Navy) mula 1913 hanggang 1920, at isang senador ng estado ng New York.

Mag-anak

Ang kaniyang amang si James Roosevelt, at ang kaniyang inang si Sara Roosevelt ay kapwa mula sa mga pamilyang mayayaman na matagal nang naninirahan sa New York, na si James ay may mga ninunong Olandes (Dutch) at si Sara ay may mga ninunong Pranses.[2] Si Franklin ang kanilang nag-iisang anak. Ang kaniyang lola sa ama na si Mary Rebecca Aspinwall ay ang pinsang buo ni Elizabeth Monroe, asawa ni James Monroe na ika-5 pangulo ng Estados Unidos.

Other Languages
žemaitėška: Franklin D. Roosevelt
Bikol Central: Franklin D. Roosevelt
беларуская (тарашкевіца)‎: Франклін Дэлана Рузвэлт
Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄: Franklin D. Roosevelt
客家語/Hak-kâ-ngî: Franklin D. Roosevelt
Bahasa Indonesia: Franklin Delano Roosevelt
Lëtzebuergesch: Franklin D. Roosevelt
Lingua Franca Nova: Franklin Delano Roosevelt
Dorerin Naoero: Franklin D. Roosevelt
norsk nynorsk: Franklin D. Roosevelt
русиньскый: Франклін Рузвелт
srpskohrvatski / српскохрватски: Franklin Delano Roosevelt
татарча/tatarça: Franklin Delano Ruzvelt
ئۇيغۇرچە / Uyghurche: فرانكلىن روزۋېلت
oʻzbekcha/ўзбекча: Franklin Roosevelt
vepsän kel’: Ruzvel't Franklin Delano
Tiếng Việt: Franklin D. Roosevelt
Bân-lâm-gú: Franklin D. Roosevelt